Archive for July, 2006

Mahirap ma-inlove!! by Rhian

Tuesday, July 11th, 2006

Itong article ay gawa ng aking mabuting kaibigan si Rhian noong 2003 pa, gusto lang po nya ipahayag ang kanyang damdamin na malamang nararamdaman din ng mga ibang tao sa buong mundo, i-ppost ko itong article on behalf of him. Copyright po lahat ito..hehe! =)

Grabe, mahirap pala talagang ma in love.  Nakakabaliw, nakakapraning, mahiwaga, nakakakilig, masaya, minsan mahirap at malungkot, pero minsan mas lalong mahirap mas lalong malungkot.

Naaalala mo pa ba nung time na puro ka pag papa cute sa crush mo?  Yung time na nalaman mo ang tunay na meaning at kahalagahan ng salitang “conscious” at “vain”, na lahat na lang ng madaanan mong salamin kahit tinted na kotse e tinitignan mo sarili mo? Pero dati hindi ka naman ganon, o kung ganon ka na dati palagay ko mas lumala pa. 

Bakit ba gustong-gusto mo siyang laging makita at lagi ka na lang napapasabi ng “haay tamlay” sa tuwing siya’y dadaan at ika’y makakasilay?  Nakakabaliw ba?

Diba’t nayayamot ka pa nga kase feeling mo ang gwapo/ganda mo nung araw na iyon tapos hindi mo man lang siya nakita para magpa cute?  Kulang ang araw mo pagkatapos nun ano?  Nakakapraning ba?

E nung nakilala mo na siya??? Edi mas masaya na di ba?  Aba! Lalo na siguro nung close na kayo?  Diba’t mukha ka ng buntot?  Kung nasaan siya nandun ka, inaalam mo pa kung san gimik niya at parang gusto mo pa laging sumama.  Teka imbitado ka ba?

Ginagamit mo pa ang kaibigan mong matalik sa mga modus operandi mo.  Ingat ka lang kay best friend at baka apo ni Satanas yan.

Ngayon kung medyo close na kayo, e kakayod ka na nyan.  Daig mo pa ang mga multo sa film center kung magpaparamdam, ang mga mahihiwaga mong teks sa selpon ay parang engkanto sa kagubatan, walang sinabi sayo ang The Buzz at TV Patrol sa paghahagilap ng mga tsismis at balita.  Tila ka gwardya sibil kung magbantay at parang cancer kung sumalakay, dahan dahan pero epektib.  Mahiwaga ba?

Dahil inaraw-araw mo siya, at di ka pa nga nakuntento ginabi-gabi mo pa, nagbunga din ang pagsusumikap mo.  Hindi ka pa naman nanliligaw pero pakiramdam mo eh parehas din kayo ng nararamdaman, M.U nga sabi nila.  Tila ka pa batang pumipitas ng bulaklak at nag “she loves me – she loves me not ka pa”  pero pag natapat sa she loves me not gagawin mo namang she loves me. Lokohan na ito….. Nakakakilig ba?

HALA! Hayan na!! Humahaba na buhok mo sa sobrang kilig.  Diba’t ang sarap isipin yung mga araw na parang puso na lang ang internal organ mo?  Tumatamis ang ampalaya pag siya ka lunch mo. Lahat ng sinasabi niya tagos sa puso mo, diretso sa utak pati sa ugat.  Dahilan ng pakiramdam na hindi mo maipaliwanag kaya’y naging sanhi ng araw-araw na pagpupursige sa gym upang lumaki ang katawang tila suman sa bilbil.  Masaya ba?

Mga teks na “wer u”, “cno ksama mo”, “please reply” ang mga pahiwatig ng pagka miss, pagseselos, at pagiging buwaya sa pag-ibig, na naging dahilan ng gabi-gabi mong pagpupuyat, pagdami ng tigyawat, at madalas mong pagkakasakit.  Mahirap at malungkot ba? Baka may mas mahirap at mas malungkot pa dyan?

Kaya teka, teka, naitanong mo na ba kung bagay kayo sa isat-isa?  Baka feeling nyo lang?  Tol, pano kung mayaman siya mahirap ka? Skwater ka may sariling Condo siya? Imported lahi niya tapos native ka? E kung naging mas bata ka pa sa kanya ng mahigit 5 taon?  Hindi kaya siya pa ang bumuhay sa iyo?

Oo nga alam ko sasabihin mo ayos lang bastat mahal ninyo ang isa’t isa.  Pero hindi rin tsong, siguro kung ikaw ang babae ayos lang e kaso kung lalake ka?

Pakiramdam mo ang swerte mo kung siya makatuluyan mo, e siya kaya swertihin sayo?  Sasaya din syempre ang pamilya mo, e ang pamilya niya masaya kaya?

Alam ko namang GF ang hanap mo hindi Syota, alam ko din na gusto mong ikaw ang masusunod at magdadala ng relasyon kaso kung bundok at pigsa ang pagitan ninyo e pano na yan?  Ano? Edi napa-isip ka ngayon?

O bat nagdadalawang isip ka ngayon kung liligawan mo siya o hindi?  Ligawan mo na kasi ng malaman mo at hindi ka tanong ng tanong.  Ano kamo? Maghihintay ka pa na umasenso sa buhay bago mo siya ligawan?  Aba baka wala ka nang maabutan?

Kawawa ka naman, kaya bago pa lumala ito….. ititigil ko na tong kwentong ito.  Kaya itigil mo na din ang pangangarap sa babaeng hindi naman para sayo.  Alam ko sobrang mahal mo na siya, at baka mahal ka na rin niya.  Pero kung mahal mo talaga siya, iisipin mo naman ang makakabuti sa kanya. 

Walang pinagkaiba yan sa pag mamahal ng isang magulang na nag abroad para lang buhayin ang kanyang pamilya.  Kahit masakit mawalay sa mga mahal sa buhay, gagawin ng magulang para sa ikabubuti ng pamilya.

At saka sabi mo naman magsusumikap ka saka mo siya babalikan diba?  Pero hihintayin ka ba naman niya?  Saka sigurado ka bang aasenso ka?  Matulog ka na lang, magpakasal na lang kayo sa panaginip ng magkatotoo naman ang mga pangarap mo….  Ibaling mo na lang sa iba yang nararamdaman mo, napakaraming babaeng para sayo, bat mo pinagsisiksikan sarili mo dyan…….

At siya nga pala, bago mo muna pala pag isipan yang mga bagay na gumugulo sa isip mo eh makipag ayos ka muna sa GF mo, baka mahal mo pa rin siya… Ang hirap sayo manliligaw ka na sa iba may GF ka pa…

Ganyan lang talaga ang buhay at alam kong may mas hihirap pa diyan.  Pero mahirap ba talagang magmahal? Hindi naman siguro… konti lang, as in konting konti lang talaga…….. konting sarap, konting saya, konting kilig, konting tawa, kokonti lang talaga…. Kaya hindi talaga mahirap magmahal…………………..kase………sobrang hirap lang!